- Call-to-Action to do their part in preventing the spread of virus:
Let’s do our part so the virus doesn’t spread.
Kahit hindi tayo healthcare worker, meron tayong magagawa para makatulong na tumigil ang pag-spread ng COVID-19. Wag na po nating paabutin ng 1,000 ang dami ng COVID-positive patients sa bansa.
Ito po ang mga dapat nating gawin:
* tumigil sa bahay
* keep your distance, 1 metro dapat — mala-mala mula braso hanggang daliri
* ugaliing maghugas ng kamay palagi at wag hawakan ang inyong bibig, ilong, tenga at mata.
Hindi po madaling gawin pero, pag sama-sama tayo, kaya natin ito.
Shout out sa lahat ng ating mga frontliners — – mga health workers, security guards, employees sa grocery, delivery guys, etc. Huwag natin sayangin ang sakripisyo nila.
Kung kayo po ay may mga katanungan pumunta lamang sa www.doh.gov.ph or sa facebook page ng DOH.
#BeatCovid19 #COVID19PH #BahayMunaBuhayMuna
- Stay At Home:
DOH urgently request to please stay at home.
Manatili po tayo sa bahay.
Lahat tayo ay gusto ng matapos itong COVID-19 health situation ng ating bansa.
Para ito ay mangyari, kailangan nating manatili sa bahay. Hindi lang po sarili natin ang nililigtas natin pag tayo ay nanatili sa bahay, pati din po ang ating pamilya, kabarkada at kapitbahay.
Doon po sa ibang bansa kung saan na-control na nila ang COVID, ito din po ang ginawa nila Hindi din po lumabas ng bahay ang mga tao para po hindi sila magkahawaan.
Tandaan, sa sakripisyo ninyo meron kayong buhay na maliligtas. Sa bahay na lang muna tayo ngayon.
Kung kayo po ay may mga katanungan pumunta lamang sa www.doh.gov.ph or sa facebook page ng DOH.
#BeatCovid19 #COVID19PH #BahayMunaBuhayMuna
- Social Distancing
Para po doon sa mga kailangang kailangang umalis ng bahay, please remember: Dumistansya po ng 1 metro mula sa tao sa harap, liko at tabi ninyo para po maiwasang mahawa sa virus.
Kung kayo po ay may mga katanungan pumunta lamang sa www.doh.gov.ph or sa facebook page ng DOH.
#BeatCovid19 #COVID19PH